Tuesday, September 24, 2013

Banakal

Oya! Minna!

Gusto ko sanang pag usapan natin ang salita o katagang "BANAKAL"


Ang ibig sabihin ng salitang BANAKAL ay Fruit Rind o Tree bark na ang ibig sabihin ay balat ng prutas o balat ng puno

Kailan ito nagsimula?
Nagsimula ito noong naiuso ang mga Jejemon
Bakit nila ito ginagawa?
Bago ko ito sagutin, ipapaliwanag ko muna ang dalawang uri ng BANAKAL

1. Banakal - Sila ang mga kabataang nagrerebelde dahil sa iba't ibang klaseng problema (Hindi ko na babangitin ang mga problemang iyon)
2. Banakal 2B - Sila ang mga kabataan na gusto lamang maging siga 

Bakit mayroong dalawang klasipikasyon?

Yun ay dahil iba iba sila ng mga nararamdaman

Mabalik tayo

Bakit nila ito ginagawa?

Para sa Banakal. Ginagawa nila ito dahil pakiramdam nila sila ay nag iisa
Para naman sa Banakal 2B. Ginagawa nila ito dahil gusto nila ang pakiramdang sila lagi ang nasusunod. Gusto nila na sila ay kinatatakutan.

Bakit nila nararamdaman ang mga bagay na ito?
Yun ay dahil nakakaramdam sila ng kakulangan sa kanilang pagkatao.



Kaya sana, next time na makakita tayo ng mga taong ganito. Isipin muna natin kung BAKIT nila ito ginagawa









-Gag Ong





No comments:

Post a Comment